DG


“Sacrifice is giving up something you love for the sake of something you love more.”

Hindi ko alam kung sino ang unang nagsabi niyan, basta ang sigurado ko, ilang beses ko na narinig yan. At sa loob ng dalawampu’t limang taon na paglalakbay ko sa mundong ito, masasabi kong ito ay isang masakit na katotohanan.

Minsan sa buhay ng isang tao, kailangan talaga magsakripisyo.

Noon, akala ko kaya kong baliin ‘to. Akala ko pwede namang hindi mamili. Akala ko pwede namang walang mang-iiwan at walang maiiwan. Pwede namang walang bibitiw at walang mabibitiwan. Walang makakasakit at walang masasaktan. “Pwede naman di ba?” Yan ag paulit ulit na sigaw ng kamusmusan ko. Pero ngayon, alam ko na, pambata lang ang paniniwalang yon.

Darating ang panahon na kailangan mamili. Hindi pwedeng pareho. Sabi nga, “Don’t chase two rabbits at the same time. You will just end up losing both.” Minsan gustong gusto natin yung dalawang kuneho, pero kung hahabulin natin sila pareho, wala tayong mahuhuli. Kailangan pumili lang ng isa. Alin ba ang mas maganda? Alin ba ang mas gusto natin? Alin ang mas mahal natin? At kung alin ang “MAS”, yun ang hahabulin natin. Isa lang, hindi pwedeng dalawa.

Syempre minsan masakit. Mahirap. Pero kung hindi natin yun gagawin, lahat pwedeng masaktan. At pwede ring may masayang. Kaya nga ‘sakripisyo’ eh. Meron at merong masasaktan. Meron at merong maiiwan.

“Sacrifice is giving up something you love for the sake of something you love more..”

Kaya minsan, kailangan nating tanggapin ang sakit kung kailangan nating mag-sakripisyo..

At minsan din, kailangan nating tanggapin ang mas masakit na dala ng katotohanang..

Ikaw ang isa-sakripisyo..



Labels: edit post
0 Responses

Post a Comment