SS – Sariling Sikap. Ito ang
linggwahe ng mga martyr J
Maganda naman ang “sariling
sikap”. Ibig sabihin nito kayang kaya mong gawin ang mga bagay bagay kahit ikaw
lang. Hindi mo na kailangan ng tulong ng iba. Hindi mo na kailangang makiusap
pa at ibaba ang dangal mo para lang humingi ng konting tulong. Ikaw na lang ang
gagawa. Ikaw na lang ang magdudusa. Yan ang sariling sikap. Sa ibang salita,
martyr J
Hindi naman siguro kasalanan kung
ipanganak kang martyr di ba? Minsan gusto mong magbago, pero ang hirap eh. Kahit
pilitin mo, kung talagang ayaw mong makaabala ng ibang tao, ganun talaga. So
syempre, sariling sikap ang bagsak mo. Kung mahihirapan ka, again, kasalanan mo
yun. Choice mo naman maging martyr eh.
Tulad ng mga ganitong pagkakataon
na kailangan mo ng ‘encouragement’. Walang kaibigang pwedeng magbigay kasi
lahat sila ‘busy’. Pero ang mas masakit, yung hihilingin din yun mula sa’yo.
Kaya no choice ka kundi kalimutan ang sarili mo at magparaya para sa kanila.
Mahirap ngumiti pero pipilitin mo kasi kailangan ng iba. Mahirap magsabi ng
“Kaya mo yan!” dahil ikaw mismo kailangan mo yun. Pero pipilitin mong sabihin.
Magbubulag-bulagan ka sa sarili mong pangangailangan. Martyr di ba? How
pathetic. Haha
Kaya kung mapapagod ka, well,
pagtiisan mo ang sakit ng pagod. Ginusto mo yan eh. Kung walang mangamusta man
lang sayo, eh ano naman? Kailangan ba may makekealam sayo katulad ng
pangengealam mo sa iba? Hindi naman eh. :D
Ginusto mong magpaka-martyr para
sa iba. Hindi nila yan hiniling sayo. Kung nasasaktan ka, eh ano pang silbi ng
‘sariling sikap’ mo? Tatlong tapik lang sa balikat, pwede na. Wala eh, sa mga
ganitong panahon, sarili mo lang ang maaasahan mo (syempre liban dun si God).
Buti nga andiyan pa Siya eh. At sigurado kang hindi ka Niya iiwan J
So pa’no, itaas mo na ang kanang
kamay mo ilapat mo ng tatlong beses sa kaliwang balikat mo. Ngumiti ka at
sabihin mong “Kahit wala sila, kaya ko to!”
Tuloy ang laban. Walang sukuan. Gamitin
ang pusong palaban! J